V. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!
R. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya!
V. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya!
R. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.
V. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya!
R. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya!
Manalangin Tayo: O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Jesukristong Panginoon namin, ay minarapat mong paligayahin ang mundo. Hinihiling namin sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin. Amen.
Source: Our Parish Priest

