V. Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria
R. At siya'y naglihi lalang ng Espiritu Santo
Aba Ginoóng María...
V. Narito ang alipin ng Panginoon
R. Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo
Aba Ginoóng María...
V. At ang Verbo ay nagkatawang tao
R. At nakipamayan sa atin.
Aba Ginoóng María...
V. Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos
R. Nang kami'y maging dapat na makinabang sa mga pangako ni Jesukristong Panginoon.
Manalangin tayo: Panginoong aming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang Pagkakatawang Tao ni Jesukristong Anak Mo, pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ay papakinabangin Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa langit. Alang-alang kay Jesukristong Panginoon namin. Amen.
Source: Malolos Cathedral, Diocese of Malolos

